CENTRAL MINDANAO-Isang mainit na pagbati ang ipinaabot ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza sa dalawang kabataang miyembro ng 4H Club matapos itong mapili na sumailalim sa 11 months na Young Filipino Farmer Leaders Training Program (YFFTPJ) sa bansang Japan.
Si Stephen Ceriales mula sa Ginatilan, Pikit at Renz Estillore mula naman sa Pinamaton, Matalam, Cotabato ang maswerteng napiling kakatawan sa rehiyon XII sa nasabing training.
Ang YFFTPJ ay isang programa ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Agricultural Training Institute (ATI) sa pakikipagtulungan ng Japan Agricultural Exchange Council (JAEC) at Japan Ministry of Agriculture Forestry and Fishiries na naglalayong matulungan ang mga kabataang agripreneurs ng bansa na mapaunlad ang kanilang kalaaman hinggil sa makabagong paraan ng pagsasaka at teknolohiya sa pamamagitan ng pagsasailalim sa pagsasanay.
Sa pagbisita ni Ceriales at Estillore sa tanggapan ni Governor Mendoza, hinimok ng gobernadora ang mga ito na gamitin ang oportunidad na ibinigay sa kanila upang matuto at maibahagi ang natutunan sa kapwa nito Cotabateรฑo.
Tiniyak din nito na ang kanyang tanggapan ay laging handang tumulong at makipag-ugnayan sa ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan mabigyan lamang ng pantay na oportunidad ang bawat kabataan sa lalawigan.
Sa kasalukuyan ay sumasailalim na sa pre-departure orientation training ang dalawa sa San Felipe, Tantangan, South, Cotabato at nakatakda itong tumulak patungong Japan sa darating na Abril 2023.