CENTRAL MINDANAO-Abot sa P4,878,720 halaga ang naipamigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XII sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa isinagawang Cash for Work Payout ngayong linggo para sa bayan ng Carmen at lungsod ng Kidapawan
726 indibidwal mula sa dalawampuโt isang barangay ng Carmen at kaparehong bilang ng indibidwal mula sa apatnapu’ng barangay ng Kidapawan City ang nabigyan ng P3,360.00 bawat isa matapos ang sampung araw na community service.
Ang Cash for Work ay programa ng DSWD para matulungan ang mga walang hanapbuhay sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng temporaryong pagkakakitaan bilang bahagi ng climate change adaptation and mitigation program.
Pinangunahan ng DSWD Field Office XII kasama ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) batay sa direktiba ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza, katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa pagsagawa ng nasabing cash distribution.
Isinagawa ang nasabing payout sa bayan ng Carmen nitong Miyerkules December 7 habang nitong Martes December 6 naman ang para sa lungsod ng Kidapawan