CENTRAL MINDANAO-Nasa 31 Barangay Health Workers (BHWs) mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Cotabato ang sumailalim sa Interpersonal Communication (IPC) Skills on Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP) at Usapan Training na isinagawa ng Population, Gender and Development Division (PopGAD) katuwang ang Population Commission (PopCom) XII.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga BHWs tungkol sa isyung kinakaharap ng mga mag asawa, responsible parenting at iba pang topiko hinggil sa pagpaplano ng pamilya na magagamit nila sa pagbibigay ng lectures at counseling sa mga barangay na sakop ng probinsya.
Isa sa mga prayoridad ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ang pagbuo ng mga programang may kinalaman sa responsableng pagpaplano at pangangalaga ng pamilya na isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating lipunan.
Ang aktibidad ay dinaluhan nina PopCom XII Planning Officer Muhammed D. Maulana, PopGAD Division Head Allan R. Matullano, Population Officer II Cora G. Arances at iba pang kawani ng PopGAD.