-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Masayang nasaksihan ng mga guro at panaunahin na nakilahok sa Global Handwashing Day 2022 at ceremonial turnover ng Essential Health Care Package (EHCP) Logistics mula sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Emmylou โ€œLalaโ€ J. Mendoza katuwang ang Department of Education (DepEd) Cotabato Division.

Maaliwalas na mukha, abot-tengang mga ngiti, at kumikislap na mga mata ang naging pagbati ng mga mag-aaral mula sa Matalam Central Elementary School nang makitang mismong ang Ina ng Lalawigan ang kasama ng mga ito sa isang makasaysayang pagdiriwang ng Global Handwashing Day ngayong umaga sa kanilang paaralan.

Game na game namang nakipagselfie at groufie ang gobernadora sa mga mag-aaral at mga guro matapos ang kanyang mensahe kung saan nagpasalamat ito sa lahat ng nakibahagi para sa tagumpay ng nasabing aktibidad na naglalayong tulungan ang mga guro na turuan ang mga kabataan na isabuhay ang kalinisan at sanitasyon lalo na sa kasalukuyang panahon ng pandemiya. Siniguro din ni Governor Mendoza na nagkakaisa ang pamahalaang panlalawigan, mga lokal na pamahalaan, at iba pang mga partners nito sa pagsulong ng kalusugan ng mamamayan.

Nagbigay inspirasyon rin sa katulad niyang mga kabataan ang pagdalo ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos na binigyang diin ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng pinakasimpleng gawaing may kinalaman sa pag-aalaga ng sarili tulad ng paghuhugas ng kamay at paglilinis ng katawan lalo na ngayong pandemiya na may banta sa kalusugan ng bawat isa. Sinabi rin ng Kongresista na maliban sa mabuting edukasyon, kailangan rin ang mabuting pangangatawan upang maabot ang mga minimithi, dahil ayon sa kanya ano man ang pangarap sa buhay, kalusugan pa rin ang nararapat na unang bigyan ng pansin.

๐—˜๐—›๐—–๐—ฃ ๐—Ÿ๐—ผ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฐ๐˜€

Bilang bahagi ng adbokasiyang isulong ang hygiene at sanitation sa araw-araw na gawain ng mga kabataan, nagbigay rin ang pamahalaang panlalawigan ng Essential Health Care Package logistics sa ibaโ€™t ibang mga public elementary schools sa probinsiya upang magamit ng mga kabataan sa kanilang mga paaralan.

Ayon sa datus mula sa Integrated Provincial Health Office (IPHO), may 24,000 toothbrush, 840 toothpaste dispenser with 1,500ppm fluoride, at 3,004 germicidal soaps ang ipinaminigay kasabay ng nabanggit na selebrasyon. Ang naturang mga logistics ay nagmula sa P1.9M na pondong inilaan ng probinsiya ngayong taon para sa nasabing programa at aasahang bago matapos ang taon ay magkakaroon din ng kaparehong aktibidad.

Naroon din sa isinagawang maiksing programa sina Assistant Schools Division Superintendent Roberto J. Montero ng DepEd, Board Member at kasalukuyang Committee on Health and Sanitation Chair Ivy Martia Lei Dalumpines-Balitoc, Board Member Joemar Cerebo, Vice Mayor Ralph Ryan Rafael, at iba pang mga lokal na opisyales ng Matalam, IPHO Head Eva C. Rabaya, IPHO Oral Health Program Coordinator Dr. Divinagracia Alimbuyao, Save the Children Philippines, at marami pang iba.