CENTRAL MINDANAO-Isang karangalan na naman ang bitbit ng mga atletang Cotabateรฑo matapos itong makasungkit ng medalya sa katatapos lamang na Batang Pinoy National Championship na ginanap sa Vigan City, Ilocos Sur nitong Disyembre 17-21, 2022.
Kabilang sa nasungkit ng lalawigan ang tatlong pilak at pitong tansong medalya para sa larong taekwondo at karatedo.
Nagpaabot naman ng kanyang pagbati si Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza sa delegado ng probinsya at inaasahang personal itong magbibigay ng tig P7,000 insentibo para sa manlalarong nakakuha ng silver medal at P5,000 insentibo naman para sa mga players na nakakuha ng bronze medal.
Ayon kay Provincial Sports Coordinator Russel Villorente, sa 135 na delegadong lumahok sa nasabing palaro nasa ika-71 pwesto ang lalawigan ng Cotabato. Pinasalamatan din nito si Governor Mendoza sa paglalaan ng pondo bilang suporta sa mga batang manlalaro ng probinsya.