-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sa isang magkasabay na distribusyon ng day care workers (DCWs) honorarium sa tatlong distrito sa probinsiya, abot sa P4,028,000.00 halaga ng insentibo mula sa pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Cotabato Governor Emmylou โ€œLalaโ€ J. Taliรฑo-Mendoza ang ipinamigay.

Ayon sa datus mula sa Provincial Social Welfare and Development Office na nangangasiwa sa nasabing akitbidad, may kabuoang 1,007 na mga DCWs sa buong lalawigan ang nakatanggap ng kanilang apat na buwang honoraria para sa Abril hanggang Hunyo nitong taon bilang pagkilala sa kanilang boluntaryong pagtuturo sa mga day care centers.

Sa mensaheng ipinaabot ng gobernadora sa pamamagitan ng mga kinatawan nito, nagpahayag ito ng taos-pusong pasasalamat sa mga volunteer teachers sa kanilang dedikasyon at tyaga sa pagtuturo sa mga day care children upang ihanda sila sa elementarya.

Naging representante ni Gov. Mendoza sina Board Member Roland Jungco, Ex-Officio Board Members na sina Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) Arsenio Ampalid, Provincial Federation President ng Philippine Councilorโ€™s League of the Philippines Rene V. Rubino, Sr., Association of Barangay Captains Phipps Bilbao at marami pang iba. Nagpadala rin ng kinatawan si 3rd District Representative Maria Alana Samantha Santos.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang Provincial Treasurerโ€™s Office at mga lokal na pamahalaan sa bawat bayan.