-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bilang hakbang sa napapanahong pagsasabatas ng provincial ordinance for Public Private Partnership Code (PPP Code), isinagawa ang isang writeshop hinggil rito sa Kidapawan City.

Ang 2-day writeshop ay isinagawa bilang pagtugon sa Executive Order No. 75 ni Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo-Mendoza na nagbibigay kapangyarihan sa Technical Working Group (TWG) na gumawa ng mga hakbang para mapabilis ang pagsasabatas ng ordinansa.

Personal itong dinaluhan ni Governor Mendoza na nagbigay ng kanyang mensahe hinggil sa importansya ng pagsasabatas ng nasabing ordinansa para sa matagumpay na pagsasagawa ng mga proyekto at programa sa probinsiya.

Ang pagsasabatas ng PPP code ay naglalayong mapalakas ang kalakalan at industriya sa lalawigan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga pribadong sektor sa pagsasagawa ng mga joint venture na proyekto at programa.

Pinangunahan ni Sangguniang Panlalawigan Committee on Laws, Rules, and Privileges Chairperson Joemar Cerebo sa pakikipagtulungan sa Office of the Provincial Planning and Development Coordinator (OPPDC) ang nasabing aktibidad.