-- Advertisements --

Posibleng mangangailangan ng pagtaas sa kanilang contribution rates ang Social Security System (SSS) para mapondohan ang karagdagang benepisyo sa ilalim ng Exanded Maternity Leave Law.

Sinabi ni Normie Doctor, vice president for the Benefits Administration Division ng SSS, para maging fully covered ang Expanded Maternity Leave Law, mangangailangan silan ng 0.5 percent increase sa contribution rates.

Ito ay matapos na lagdaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon ang implementing rules and regulations ng Republic Act 11210.

Pebrero ng taong kasalukuyan nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas, na nagpapalawig sa paid maternity leave ng manganganak na ina sa 105 days mula sa dating 60 days.

Ayon kay Doctor, hindi nakasaad sa batas ang anumang probisyon na nagsasabi kung saan kukunin ang pondo na gagamitin sa karagdagang benefits.

“Ngayon naturally, since SSS and nagbabayad ng maternity benefit, ibig sabihin, kami ‘yung magsho-shoulder ngayon nitong increase in the amount of maternity benefit,” saad ni Doctor sa isang panayam.