CENTRAL MINDANAO-Sampung katao ang naisugod sa pagamutan sa multicab na nahulog sa bangin sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga biktima na sina Virgilio Amandoron; Heber Caahao, 59; Mary Luiz Digal, 35; Glenda Dejesica, 39; Flordeliza Pacultan; Aser Guanzon, 48; Catherine Cañete, 46; Flordeliza Pacultad, Jolly Beth Dayot at Ronald Dayot mga residente ng Barangay Gambodes, Arakan, North Cotabato.
Ayon kay Antipas Chief of Police,Captain Bernard Abarquez na habang lulan ang mga biktima sa serbisyong totoo multicab mula sa bayan ng Arakan patungo sana sa lungsod ng Kidapawan ngunit pagsapit nito sa Brgy Pontavedra Antipas North Cotabato ay bigla itong nawalan ng preno.
Hindi na nakontrola ng driver na si Ronald Dayot ang sasakyan kaya bumangga ang multicab sa highway barrier sa gilid ng kalsada at diritsong nahulog sa 20 talampakan na bangin.
Ang mga sugatan ay agad tinutulungan ng mga residente at dinala sa pagamutan.
Ang lahat ng mga biktima ay nagtamo ng mga sugat at bali sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan kung saan patuloy itong ginagamot sa ospital.