BAGUIO CITY – Magbibigay ang Department of Agriculture (DA) ng 100 na baka para sa Baguio Dairy Farm.
Alinsunod ito sa nais ng ahensiya na magsisilbi ang Baguio Dairy Farm bilang training at research facility sa dairy industry.
Ayon kay DA-Cordillera OIC Regional Executive Director Cameron P. Odsey, posibleng ma-idedeliver sa Baguio sa Setyembre ang mga purebred Holstein-Friesian cows na manggaling sa Australia o South America.
Ayon sa DA-Cordillera, itinuturing ang mga Holstein-Friesian na baka bilang highest production dairy animals sa buong mundo.
Inaasahan ng ahensiya na sa pamamagitan ng proyekto ay lalago ang produksiyon ng gatas sa bansa.
Maliban sa Baguio City ay magbibigay din ang DA ng mga baka para sa dairy production sa Mountain Province.
Layuning ng DA na magsilbi ang Cordillera bilang pangunahing pinanggagalingan ng suplay ng gatas sa buong Pilipinas.