-- Advertisements --

Nasa 1.2 milyong manggagawa ang temporaryong mawawalan ng trabaho dahil sa mahigpit na ipinapatupad na community quarantine.

Sinabi ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III, na naging matindi ang epekto ng coronavirus sa ekonomiya ng bansa.

Maari ring lumawak ang budget deficit ng bansa mula sa 3.2 percent hanggang 5.3 percent.

Tiniyak nito na gumagawa ang gobyero para maibalik ang sigla ng ekonomiya.