-- Advertisements --

Isasama umano sa diskusyon ng European Union leaders ang bagong budget plan magbibigay-daan dito upang gumastos ng hanggang 1.1 trillion euros o halos $1.2 trillion sa taong 2021-2027.

Sa ilalim ng ginawang proposal ng Finland, ang susunod na long term budget ay kinakailangang may financial capacity na aabot sa 1.03% at 1.08% ng gross national income (GNI).

Hindi naman ikinatuwa ng 27 EU states ang solusyon ng Finland. Umaasa umano ang mga ito na magiging mahaba pa ang proseso bago magkaroon ng kasunduan.

“The text has caused nearly unanimous dissatisfaction,” saad ng isang diplomat.