-- Advertisements --
Nakatakdang dumating na sa bansa sa susunod na buwan ang nasa 1.3 milyon doses ng AstraZeneca vaccine para sa mga private sectors bilang bahagi ng tripartite deal.
Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na aabot sa halos 100 kumpanya ang makikinabang sa unang batch na darating na bakuna.
Nakipag-ugnayan na rin ito kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III para maglabas ng kautusan na hinihikayat ang mga empleyado na magpabakuna kapag dumating na ito.
Magugunitang pumirma ng kasunduan ang mga private sectors sa British-Swedish manufacturer at national government noong Nobyembre 2020 para sa 2.6 milyon doses ng COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P600 milyon.