Nagpamahagi ang United Health agency at mga partner nito ng mahigit 1.3 milyong vaccines laban sa polio na siyang ipapamahagi sa mahigit kumulang 640,000 na kabataan ng Gaza.
Ito ay matapos magkaroon ng kaunaunahang kaso ng polio sa bansa pagkatapos ng 25 na taon kung saan isang 10 buwan na sanggol ang natamaan nito at ngayo’y paralisado na ang parehong binti.
Ang pagpapatupad ng pagpapabakuna ay nagsimula na dala ng “humanitarian pause” ng Israel sa pag atake sa Gaza nito lamang Huwebes. Ito ay para na rin bigyang daan ang WHO sa pamimigay ng libreng bakuna sa mga bata sa bansa. Nagsimula naman ang pagbabakuna sa mga ilang kabataan ng Khan Younis kahapon, Agosto 31.
Hindi magiging madali ang paghahatid ng mga bakuna sa lugar dahil na rin sa mga sira sirang daanan, ang mga ospital ay hindi na rin maaari pang maging ligtas na lugar dahil sa banta ng pagguho ng mga parte nito at ang mga pamilya ay nagkalat na rin kung saan.
Sa isang pahayag, sinabi naman ng pamahalaan ng Israel na ang pagbabakuna sa mga bata ay magtatagal lamang ng walong oras sa isang araw at magpapatuloy hanggang ika-9 ng Setyembre ngayong taon.
Samantala, naglaan naman ng mahigit 160 sites ang Gaza health Ministry para sa paguumpisa ng pagbabakuna tulad na lamang ng mga medical centers, mga ospital at pa na rin ang mga paaralan.