Inaalam na ngayon ng US government ang dahilan sa nangyaring maling pamimigay ng US treasury department ng mahigit $1.4 billion o halos P69 billion ng pandemic rescue fund nito sa mga American citizens na namatay na.
Noong Marso nang aprubahan ng US Congress ang $2.6 trillion stimulus checks bilang tulong sa sumadsad na ekonomiya ng Estados Unidos dahil sa COVID-19 outbreak.
Nabatid ng mga prosecutors na dahil sa pagmamadali na maipamahagi ang pera ay nagdulot lamang ito ng maraming pagkakamali.
Hindi raw kasi tiningnan ng mabuti ng nasabing departamento ang pagbibigyan nila ng pera kung kaya’t kahit patay na ay nakatanggap pa rin.
Sa ngayon ay umabot na ng 160.4 million pandemic payments ang ang naipapamahagi ng US government sa mamamayan ng bansa.
Habang ang 26% ng rescue funding ay nakalaan sa mga maliit na negosyo na nangangailangan din ng tulong pinansyal sa ilalim ng Paycheck Protection Program.