-- Advertisements --
Natanggap na ng bansa ng nasa 1.5 milyong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng kumpaniyang Sinovac ng China na binili ng gobyerno.
Lulan ng Philippine Airlines ang nasabing bakuna ng lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal pasado alas-sais ng gabi ng Biyernes, Setyembre 10.
Pinangunahan ni National Task Force against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa ang pagsalubong ng nasabing mga bakuna.
Mula pa noong Pebrero ay nakatanggap na ang gobyerno ng mahigit 54.5 milyon COVID-19 vaccine.