MANILA – Aabot na sa 1,544,332 Pilipino ang “fully vaccinated” o kumpleto nang nakatanggap ng dalawang doses ng bakuna laban sa coronavirus (COVID-19).
Batay sa pinakabagong report ng Department of Health (DOH), mula ito sa kabuuang 5,965,651 doses ng bakuna na naiturok na ng pamahalaan simula noong March 1.
Mayroon namang 4,421,319 indibidwal na nabigyan ng first dose.
Batay sa datos ng DOH at National Task Force against COVID-19, mayroon ng 827,089 health care workers na kumpleto na ng dalawang dose.
Habang 369,387 ang fully vaccianated sa hanay ng mga senior citizens. Para naman sa grupo ng mga may comorbidity, aabot na sa 343,297 indibidwal ang kumpleto sa bakuna.
Samantalang, 4,559 pa lang ang kumpleto ng bakuna sa mga essential workers o A4.
[VACCINE ROLLOUT UPDATE: 07 June 2021]
— Department of Health (@DOHgovph) June 7, 2021
As of 06 June 2021, 6PM, a total of 5,965,651 doses have already been administered. Of this, 4,421,319 are 1st doses, and 1,544,332 are 2nd doses. pic.twitter.com/QKZ0QQoq5L
“The total doses administered in the 14th week of our national vaccination reached 788,350 doses.”
Patuloy ang panawagan ng DOH at NTF sa publiko, lalo na ang mga pasok sa A1 hanggang A4 category na magpabakuna na.
“The vaccinated population are also urged to continue practicing the minimum public health standards as you may still get infected with COVID-19 and infect other people.”
Ngayong araw nag-umpisa ang pagro-rolyo ng bakuna sa essential workers ng National Capital Region at walong lalawigan.