-- Advertisements --

Naselyuhan ang kabuuang $1.53 billion halaga ng investment sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne.

Ginawa ni Trade Secreatry Alfredo Pascual ang naturang anunsiyo sa isinagawang PH Business Forum.

Ayon sa kalihim, nasa 14 na business agreements ang nilagdaan at ang mga kasunduang ito ay nakikitang makakahikayat pa ng investment relationship sa pagitan ng 2 bansa at makakaambag sa paglago ng ekonomiya ng PH.

Nagpapatunay din aniya ang nasabing mga kasunduan ng hindi natitinag na commitment ng PH para sa mga sektor gaya ng renewable energy, waste-to-energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives, establishment of data centers, manufacturing of health technology solutions, at digital health services.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang kalihim sa mga kompaniya at business leaders na nagsikap para sa negosasyon at pagbalangakas ng mga kasunduan sa pagitan ng PH at Australia.