-- Advertisements --

Umaaot sa 1,505 na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa gobyerno base sa datos hanggang sa katapusan ng Marso taong kasalukuyan.

Isang malinaw na indikasyon ito na humihina na ang grupo ng mga komunistang terorista sa bansa ayon sa opisyal ng National Intelligence Coordination Agency (NICA).

Mayroong 57 ang sumuko noong 2019 habang 415 naman noong 2020. Karamihan sa mga ito ay sumuko noong 2021 habang nasa 26 na NPA fighters naman ang inabandona ang kanilang grupo ngayong taon lamang.

Ayon kay NICA Eastern Visayas Regional Director Eustacio Bacabac, karamihan sa mga regular NPA members ay sumuko sa pamamgitan ng whole of nation approcah ng gobyerno sa nakalipas na tatlong taon.

Aniya humihina na ang NPA mula pa noong 2019 kung saan marami na sa kanila ang sumuko dahil napagtanto nilang walang katuturan ang kanilang pakikibaka ang ilan naman ay kusang inabandona ang NPA dahil sa paghikayat ng kanilang mga sumukong kasamahan na nagbalik loob sa gobyerno.

Ang paghina aniya ng impluwensiya ng kanilang organisasyon sa ibang parte ng bansa ay nagudyok sa mga lider ng NPA na magtungo sa Samar na kanilang itinuturing na huling balwarte.

Iniulat din ng NICA na nasa 70 miyembro ng teroristang grupo ang napatay sa sagupaan ng rebeldeng grupo laban sa pwersa ng gobyerno habang nasa 54 naman ang naaresto sa isinagawang mga operasyon sa mahigit dalawang taon.