-- Advertisements --
Panibago na namang shipment ng bakuna na umaabot sa mahigit 1.6 million doses ng AstraZeneca vaccines ang dumating sa Pilipinas nitong hapon ng Miyerkules.
Kabuuang 1,632,900 doses na COVID-19 vaccines na donasyon ng French government sa pamamagitan ng COVAX facility ang sinalubong ng mga opisyal ng IATF at DOH sa NAIA.
Ang pagdating ng AstraZeneca vaccines ay sa gitna nang isinasagawang Bayanihan, Bakuna sa buong bansa bilang bahagi ng massive nationwide vaccination drive.
Sinasabing umaabot na sa 86.4 million doses ng bakuna ang naiturok ng gobyerno sa buong bansa.