KALIBO, Aklan—Nalagpasan na ng bayan ng Malay, Aklan ang 1.8 milyon target tourist arrival sa isla ng Boracay para sa kasalukuyang taon.
Inanunsyo ng Malay Tourism Office na as of November 7, naitala nila ang 1,825,758 tourist arrival na kinabibilangan ng 357,066 foreign tourists; 1,433,024 domestic tourist habang 35,668 naman dito ang mga overseas Filipino workers (OFWs).
Kaugnay nito, inaasahan ng lokal na pamahalaan na maabot ang 2 million tourist arrival sa pagtapos ng taon 2023 dahil sa mga paparating na international cruise ship sakay ang libo-libong mga turista.
Nabatid na tatlong cruise ship na ang bumisita sa isla sakay ang mga dayuhang turista mula sa halos dalawang taong pagkaantala nito dahil sa pandemya dulot ng coronavirus o covid-19.