-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Isang sagot pa lamang ang natatanggap ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos magpadala ng show cause order sa mga alkalde na sinasabing sumingit sa COVID-19 priority list.

Kinumpirma sa Bombo Radyo Legazpi ni DILG Usec. Epimaco Densing III na ang sulat pa lamang mula kay Legazpi City Mayor Noel Rosal ang naipadala sakanila.

Isasailalim din ito sa beripikasyon kung totoo at katanggap-tanggap.

Kung satisfied naman sa paliwanag ng alkalde, hindi kakasuhan sa Office of the Ombudsman.

Samantala, hinihintay pa ang kasagutan ng apat na iba pang kasamahan ni Rosal sa listahan na pinaniniwalaang naantala lamang ng Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus Bubble.

Nabatid na naipadala na rin ang walo pang show cause order sa iba pang alkalde na umanoy lumabag sa priority list.