-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang 50-hektarya ng mga lupain na pagmamay-ari ng programa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang natupok ng grass fire sa Carasi, Ilocos Norte nitong nakalipas na linggo.

Kung saan nagdulot ng pagkasira sa 287 ektarya ng lupa, kabilang na ang 50 ektaryang bahagi ng National Greening Program (NGP) ng DENR.

Ang sunog, na nagsimula sa mga kabundukan ng Barangay Barbaquezo at Barangay Virbira noong Enero 30, ay tumagal ng halos 24 oras at natigil lamang ng bandang alas-2 ng hapon noong Enero 31.

Ang naturang programa ng ahensya ay layunin sanang i-rehabilitate ang mga nakalbong kagubatan at protektahan ang mga nakaranas ng pagbagal progreso ng NGP, dahil sa sunog.

Gayunpaman, pinuri ng Office of Civil Defense (OCD) ang sama-samang pagsusumikap ng iba’t ibang mga ahensya upang mapigilan ang pagkalat ng apoy.

Matapos ang insidente, nagsagawa ng pulong ang ilang ahensya ng gobyerno upang talakayin ang mga hakbang para maiwasan ang ganitong mga insidente sa hinaharap, tulad ng paggawa ng fire lines.

Patuloy naman ang isinasagawang pagmamanman ng mga ranger ng DENR, at pagpapalakas ng kooperasyon ng national government at lokal na pamahalaan dahil diyan napagkasunduan din ang pagpaparangal sa mga responder sa pamamagitan ng mga commendation sa mga ito.

Pinuri rin ng OCD ang mga pagsisikap ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa kanilang mga kontribusyon.