Patay ang isang hinihinalaang Abu Sayyaf Group (ASG) coddler matapos makasagupa ang mga tauhan ng Philippine Marines sa Sulu bandang alas-5:10 ng madaling araw kahapon, March 10.
Sa report na inilabas ni Philippine Marine Corps Public Information Officer Capt. Rowena Dalmacio, rumisponde ang mga sundalo sa tawag ng isang concerned citizen kaugnay sa presensiya umano ng armadong grupo.
Kaagad namang nagsagawa ng clearing operations sa pangunguna ng Executive Officer na si Major Mark Anthony Arabe sa bahagi ng Barangay Tubig Puti, Luuk, Sulu.
Pero bigla na lamang silang pinaputukan ng umano’y ASG coddler na nauwi sa limang minutong sagupaan, na ikinasawi ni Muksidin Dadil.
Nakuha sa kaniyang posisyon ang 5.56MM long plastic magazine, pitong rounds ng 7.62MM ammunitions, dalawang spent shells ng 7.62MM, dalawang live ammunition ng cal .30, isang duffle bag;, dalawang water bowls, dalawang bolo, isang pares ng combat boots, apat na assorted uniform, isang combat rig na may 14 piraso ng magazine pouches, dalawang cellphone na walang simcard, at tatlong ID cards na may pangalang Rodelyn Kadil at Muksidin Kadil.
Habang ang narekober na bangkay ng ASG coddler ay nai-turnover na kay Hon. Muen Lumangkong, officer-in-charge sa Barangay Tubig Puti para sa kaukulang disposisyon.
Sa kabilang dako, pinuri ni Philippine Marine Ready Force-Sulu Commander, Col. Armel Tolato ang kaniyang mga tauhan dahil sa mga accomplishment sa kaugnay sa kampanya laban sa terorismo.
Pinasalamatan din ni Tolato ang mga residente ng Sulu sa tiwala, kumpiyansa at kooperasyon sa mga sundalo ng Philippine Marines sa pamamagitan ng pag-report kaugnay sa presensiya ng mga armadong grupo na namo-monitor sa kanilang komunidad.
“We welcome those who want to return to the folds of the law and live normal lives. But for those who choose otherwise, we will relentlessly pursue themâ€, mensahe ni Col. Tolato.