-- Advertisements --

Patay ang isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa panibagong enkwentro sa probinsiya ng Sulu.

Sa ulat ni Joint Task Force Sulu Commander BGen. Divino Rey Pabayo, nagsasagawa ng pursuit operations ang mga tropa ng 32nd Infantry Battalion sa may Sitio Sailih, Barangay Panglayahan, Patikul Sulu bandang alas-6:20 kagabi ng makasagupa ang nasa 40 armadong miyembro ng ASG.

Tinukoy ni Pabayo na grupo ni Hajaan Sawadjaan ang nakalaban ng mga sundalo kung saan umabot 35 minuto ang labanan na ikinasawi ng isang bandido.

Wala namang naiulat na casualties sa hanay ng militar.

Narekober sa encounter site ang ilang mga improvised explosigve device at mga peronal na kagamitan.

Ang nasabing impormasyon kaugnay sa presensiya ng teroristang grupo ay mula sa mga sibilyan sa lugar.

Tiniyak naman ni Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Arnel Dela Vega na lalo pa nilang palalakasin ang operasyon laban sa ASG ng sa gayon maging matiwasay na ang pamumuhay ng mga sibilyan sa lugar.

Giit ni Dela Vega na kailangan nila ng suporta ng mga sibilyan, dahil hindi nila makakayanan ang pag neutralize sa mga terorista ng walang tulong mula sa mga ito.