-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit isang bilyon vaccine doses na ang naiturok na sa 207 bansa at territories.

Sa nasabing bilang ay nagpapakita ng bagong pag-asa kahit na patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo partikular na sa India.

Maraming mga bansa naman ang nagtitiwala pa rin sa bakuna na ito ang magiging solusyon para malabanan ang virus.

Maguguntiang inaprubahan ng US ang paggamit ng Johnson&Johnson habang Belgium ay papayagan ang paggamit ng J&J shots sa lahat ng mga adult.

Umaasa naman ang European Union na mababakunahan na 70 percent ng mga adult population sa katapusan ng Hulyo.