Maaaring may isang mamuong bagyo at pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Mayo ayon sa state weather bureau.
Subalit sa ngayon, ayon kay weather specialist Obet Badrina walang na-monitor na low pressure area sa loob o labas ng bansa.
Bunsod nito, maaari pa rin na makaranas ng mainit na panahon sa daytime na maaaring sundan ng pulu-pulong pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa hapon sa gabi lalo na sa kanlurang bahagi ng isla.
Sa nakalipas na araw, madalas na nakakaranas ang Metro Manila at mga karatig nitong lugar ng pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa hapon hanggang gabi.
Paliwanag ng state weather agency na ang naturang phenomenon ay hudyat ng transition ng bansa mula sa warm at dry season patungong wet season na kadalasang nag-uumpisa tuwing Hunyo.
Samantala, ang extreme northern Luzon naman kabilang ang Batanes ay maaaring ulanin dahil sa shear line o pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin.
Maaari ding magdala ng localized rains o thunderstorms ang easterlies sa hapon at gabi sa alinmang lugar sa bansa.