-- Advertisements --

Posibleng magkaroon ng isang bagyo sa bansa ngayong buwan ng Abril, batay sa pagtaya ng state weather bureau.

Ayon sa ahensiya, karaniwang nagla-landfall ang bagyo sa Eastern Visayas o Caraga Region sa ganitong mga panahon.

May posibilidad ding maapektuhan ng potensyal na bagyo ang Southern Luzon, kung mangyayari ito.

Maaari ring tumbukin ng bagyo ang kalupaan ng Luzon, ngunit posibleng lilihis din ito, batay pa rin sa projection ng weather bureau.

Gayunpaman, hindi pa rin inaalis ng ahensiya ang posibilidad na maging storm-free ang bansa at magpatuloy ang mainit na panahon sa kasagsagan ng Abril.

Sa kasalukuyan, nanantiling nakaka-apekto sa Pilipinas ang easterlies na nagdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.