-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Namangha ang ilang mga residente sa isang barangay sa probinsya ng Cotabato matapos umulan ng ice o yelo.
Sa kwento ni Chennie Marianne Galleto, residente ng Barangay Kalakacan, Pikit, Cotabato na kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay bumungad sa kanila ang kataka-takang pangyayari nang biglang umulan ng yelo o ice.
Ayon kay Galleto na singlaki na holen ang pumatak na ice sa kanilang bubungan.
Dagdag ni Galleto, ito ang unang pagkakataon na kanilang naranasan ang hailstorm.
Ilang mga residente ang natakot at nagtago sa loob ng kanilang bahay ngunit ang iba ay namulot pa ng yelo.
Nilinaw ng Pagasa na madalas magkakaroon ng hailstorm kung may thunderstorm.