-- Advertisements --

7thID1

Isang batalyon ng mga sundalo mula sa Northern Luzon ang idineploy patungong Davao region para magsilbing augmentation force ng kasalukuyang pwersa ng militar sa nasabing rehiyon.

Pinangunahan ni 7th Infantry Division commander Maj. Gen. Alfredo Rosario Jr., ang send-off ceremony ng 48th Infantry Battalion na nakabase sa Dona Remedios Trinidad sa Bulacan, kahapon February 2, 2021.

7thID3

Ayon kay Rosario, papalitan ng 48th IB ng 7th Infantry Division ang 71st Infantry Battalion ng 10th Infantry Division.

Sinabi ni Rosario, ang swapping ng mga tropa ay magpapatunay lamang na flexible ang mga sundalo at kahit anong oras ay maaari itong maka-adopt sa mga ipatutupad na pagbabago.

Ayon sa heneral hindi na bago ang ganitong sistema sa AFP ang pagkakaroon ng panibagong destinasyon at panibagong liderato.

7thID2

Mensahe ni Rosario sa kaniyang mga tropa, panatilihin ang pagiging aktibo ng mga ito ng sa gayon maipakita sa mga residente ng Davao Orietal ang pagiging tunay na “Guardians” ng 48th IB.

Kasabay ng send-off ceremony, pinalitan na rin si Lt Col. Felix Emeterio Valdez bilang commanding officer ng 48th IB.

Itinalaga bilang bagong battalion commander si Lt Col. Enrique Rafael ang dating executive officer ng 701st Infantry Brigade na nakabase sa Mindanao.

Dalawang taon nanilbihan bilang commanding officer ng 48th IB si Valdez kung saan ipinagmalaki nito ang mga naging accomplishment ng kaniyang batalyon lalo na noong kasagsagan ng malawakang pagbaha at bagyo kung saan ang kaniyang mga tropa tumulong sa mga kababayan nating apektado ng kalamidad.