KALIBO, Aklan – Idinekra ang state of calamity sa bayan ng Balete sa lalawigan ng Aklan bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Ayon sa Provincial Health Office (PHO)-Aklan, mula Enero 1 hanggang Hulyo 20 ng kasalukuyang taon ay umabot na sa 265 ang dengue cases sa naturang bayan.
Samantala, patuloy rin ang pagtaas ng kaso ng sakit sa buong Aklan na nauna nang nagdeklara ng dengue outbreak.
Batay sa datos ng PHO-Aklan, umabot na sa 2,999 ang kaso ng dengue sa Aklan kung saan 16 na ang nasawi.
Sa isinagawag press conference , muling hinikayat ni Dr. Cornelio Cuatchon, provincial health officer II ang publiko na pangalagaan ang sarili laban sa kagat ng lamok at makiisa sa malawakang clean-up operation tuwing araw ng Biyernes at Sabado.
Pinayuhan rin nito ang mga nakakaramdam ng mga sintomas ng dengue lalo na ang may lagnat ng dalawang araw na agad na magpakonsulta sa doctor.