-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Isinailalim na sa state of calamity ang ang bayan ng Datu Salibo sa lalawigan ng Maguindanao dahil sa malawakang baha kung saan umabot na sa 7,500 pamilya ang apektado.

Ayon kay Datu Salibo Mayor Solaiman Sandigan umabot sa labing pitong barangay na nalubog sa baha sa kanilang bayan kung saan umabot sa lampas baywang ang tubig baha sa ilang mga barangay.

Maliban sa higit pitong libong pamilya na apektado ng baha ay libo-libong pananim naman ang nasira.

Nakapagsagawa na rin umano ng damage assessment at nagpaabot na rin ng ayuda ang LGU.

Nagpapatuloy naman ang monitoring ng LGU-Datu Salibo sa mga lugar na nasa low-lying areas sakalaing bumubuhos ang malakas na ulan.

Ayon pa sa Alkalde, maswerte naman na walang kaso ng COVID sa kanilang bayan kaya’t hindi problema ang pananatili sa evacuation ng mga residenteng apektado.