-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isinailalim na sa state of valamity ang bayan ng Datu Montawal, Maguindanao dahil sa naranasang matinding pagbaha.

Ito mismo ang kinumpirma ni Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal.

Lubog sa baha ang 11 sa bayan ng Datu Montawal lalo na yaong nasa gilid ng ilog at mga mababang lugar.

Matinding sinalanta ng baha ang mga pananim ng mga magsasaka, ari-arian at mga alagang hayop.

Hindi naman inalintana ni Mayor Montawal at mga kawani ng LGU ang panganib kung saan nilusong nila ang baha at nag-abot ng tulong sa mga apektadong pamilya.

Sa ngayon ay medyo bumaba na ang lebel ng baha ngunit posibleng tataas muli ito dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng sama ng panahon