CENTRAL MINDANAO – Sumuko sa militar ang isang miyembro ng ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang ilang mga armas sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang sumukong BIFF members ay nagmula sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao at iprenesinta ni Mamasapano Mayor Akmad Ampatuan at kay 1st Mechanized Infantry Brigade commander Colonel Jesus Rico Atencio.
Dala ng rebelde sa kanyang pagsuko ang isang M16 armalite rifle, mga bala at magazines.
Samantala, apat namang loose firearms ang isinuko sa bayan ng Datu Piang sa lalawigan ng Maguindanao at tinurn-over ni Mayor Victor Samama kay Col Atencio.
Ang mga armas na isinuko ay kinabibilangan ng dalawang caliber 30 garrand rifles, isang carbine rifle, isang caliber 7.62 sniper rifle, mga bala at magazines.
Nagpaabot naman ng pasasalamat at pagbati si Joint Task Force Central commander at 6th Infantry (Kampilan) Division chief, Maj. Gen.Diosdado Carreon sa local chief executives ng Mamasapano at Datu Piang sa kanilang kooperasyon at suporta sa militar sa pagpapalaganap ng kapayapaan.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng 6th ID ang kampanya kontra loose firearms sa kanilang AOR.