CENTRAL MINDANAO-Sumuko sa lokal na pamahalaan ng Pikit Cotabato ang isang myembro Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF Karialan Faction.
Kinilala ni Pikit Cotabato Mayor Datu Sumulong Sultan ang rebelde na si Mama Uba.
Ayon kay Mayor Sultan, hirap at kagustuhan mamuhay ng payapa kasama ng kanyang pamilya ang nag udyok kay Uba para sumuko.
Dagdag nito,resulta rin daw ito ng kampanya ng Pikit LGU laban sa mga armadong grupo sa lugar katuwang ang mga sundalo, pulis at mga lider ng komunidad.
Samantala, ilang matataas na kalibre ng baril din isinuko ng LGU Pikit sa ,ilitar kaugnay pa rin ng nagpapatuloy nilang kampanya kontra sa loose firearm.
Ang naturang mga armas ay nai-turn-over ng Pikit LGU kay Army’s 602nd Brigade commander Brig. General Roberto Capulong.