-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi na umaasa pang mababayaran sa kaniyang nawawalang pera matapos naloko sa pag-invest sa KAPA kahit pa tuluyan ng na-aresto si Founder Joel Apolinario.

Ito ang inihayag sa hindi na nagpakilalang reactor at biktima ni Apolinario sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan.

Ayon pa nito, hindi na siya aasa pang mababayran dahil sa kaniyang pananaw parehong mga magnanakaw ang mga taong pinagkakatiwalaan ni Apolinario.

Maliban pa ito sa napakaraming mga baril at iba pang kagamitan na seguradong galing sa perang nakamkam sa pangloloko sa taong bayan ang ginamit nito.

Kung hindi na umano makapagbayad si Apolinario sa kaniyang mga nabiktima, sa pamahalaan na lamang ito magbabayad.

Kwento pa nito, nagka-interest siya na mag-invest sa kapa matapos personal na makita na nakakuha ng return of investment ang kaniyang pamangkin na nag-invest ng jP300,000.

Sa kabuoan, umabot sa P140,000 ang na-invest niya sa kapa kung saan P28,000 lamang ang naibalik sa kaniya.