-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO -Kagagawan ng grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang panibagong pagsabog sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Lieutenant Colonel Roberto Breboneria ang tagapagsalita ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army na sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa Brgy Kiteb Datu Anggal Midtimbang Maguindanao.

Walang nasugatan sa pagsabog ng bomba ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.

Nang magresponde ang pulisya at militar kasama ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team,isang IED pa ang kanilang nadepyos di kalayuan sa unang pagsabog.

Malaki ang paniniwala ni Colonel Breboria na ang ikalawang bomba ay secondary bomb target ang mga sundalo at pulisya na magresponde sa unang pagsabog.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng mga otoridad ang seguridad sa probinsya ng Maguindanao.