-- Advertisements --

Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaari ng i-downgrade ang Metro Manila sa modified general community quarantine (MGCQ) matapos ang isang buwan pang pagsailalim nito sa GCQ.

Sinabi ng kalihim karamihan sa mga LGUs sa Metro Manila ay nais ng i-downgrade sa MGCQ ang quarantine status.

Sinabi ng kalihim ang isang buwan pa na GCQ ay para maipagpatuloy pa ng mga LGUs na i-sustain ang kanilang COVID-19 prevention efforts.

Pero inihayag din ng kalihim na may mga LGUs pa rin sa NCR ang takot na luwagan ang quarantine status sa posibilidad na tataas muli ang kaso ng COVID-19 sa kanilang mga lugar.

Binigyang diin ni Lorenzana ang kahalagahan na ilagay sa mga isolation facilities ang mga COVID-19 patients.