-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patay ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) at sugatan naman ang isa pa nitong kasamahan matapos tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa may Purok-5, Brgy. Ang Sto. Niño, Bayugan City, lalawigan ng Agusan del Sur kagabi

Nakilala ang namatay na biktimang si Jerick Gumapac Daclan, residente sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur habang sugatan naman ang kasamahan nitong si Wilson Gano Sandaya, na nagtamo ng tama sa likurang bahagi ng kanyang leeg.

Base sa report ni Brgy. Kapitan Alma Tagbe Mahinay, sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang bigla itong pagbabarilin ng tinatayang 40 na mga armadong lalaki pasado alas-8:00 kagabi.

Nakipag-ugnayan na ang Bayugan City Police Station sa pangunguna ni PLCOL Josef Carlo Silang, sa 65th Infantry Battalion (IB), Philippine Army na syang nakarekober sa mga biktima at dinala sa ospital.