-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Sinalakay ng mga armadong grupo ang isang detachment ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) dakong alas-7:25 kagabi sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Alladin Alon habang sugatan si Joey Moamping, mga Cafgu sa ilalim ng 38th Infantry Battalion Philippine Army.

Limang mga sibilyan naman ang tinamaan ng mga ligaw na bala na nakatira malapit sa Cafgu outpost.

Ayon sa tagapagsalita ng 6th Infantry (Kampilan) Division na si Col. Dindong Atillano ang dalawang hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa Cafgu detachment sa Brgy Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao na sinundan naman nang pag-atake ng BIFF.

Agad gumanti ng putok ang mga para-military troopers sa mga rebelde.

Isinara ng mga pulis at sundalo ang Maguindanao-Sultan Kudarat Highway dahil sa tindi nang palitan ng putok sa magkabilang panig na tumagal ng mahigit isang oras.

Umatras ang mga rebelde nang dumating karagdagang pwersa ng mga sundalo na tumulong sa mga Cafgu.

Isang Cafgu ang nasawi at isa ang nasugatan habang hindi matiyak sa BIFF.

Limang mga sibilyan naman ang nasugatan na tinamaan ng mga ligaw na bala.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat clearing operation ng militar at mga Cafgu laban sa BIFF.