CENTRAL MINDANAO- Nanatling nasa maayos na kalagayan ang tatlong suspected case sa bayan ng Kabacan Cotabato at ang nag-iisang confirmed case.
Base sa datos ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, nasa 1463 na ang cleared sa kanilang quarantine habang nagpapatuloy sa quarantine ang 136 na PUM.
Samantala, nagpasalamat naman si Kabacan Incident Commander on Covid-19 at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. lalo pa’t na trace-up na agad ang mga nakasalamuha ng nagpositibo sa bayan.
Tiniyak ni Edu nang dumating ang pasyente sa lalawigan ay agad itong idineretso sa Municipal Isolation Unit ng bayan kung kaya madali ang nangyaring contact tracing.
Patuloy naman sa paghihikayat ang LGU Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo Guzman Jr sa publiko na sumunod sa mga ipinapairal na alituntunin upang covid-19 ay maiwasan.
Samantala ,ipinapasara ng alkalde ang mga tourist spot sa bayan lalo na ang patuloy na dinadagsang Pisan Lake at Pisan Caves.
Aniya, batid nito na malaki ang naitutulong ng mga bumibisita rito upang mas makilala ang nasabing lugar, ngunit hindi rin makakaila na dumarami ang pumapasok mula sa ibang bayan na kung saan ay maaaring carrier ng covid-19 o sakit na ASF ang mga bumibisita.
Sa kabila nito, siniguro ng alkalde na sa muling pagbubukas ng mga lugar na ito ay mas magiging maayos at maganda lalo pa’t kailangan rin ng mga lugar na ito ng pahinga.