-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga rescuers sa isang construction worker na naipit sa gumuhong gusali sa Washington DC.

Agad namang natanggal ang ilang mga manggagawa matapos na matabunan ng mga debris mula sa gumuhong gusali.

Hindi naman nagbigay ng anumang impormasyon ang Washington Fire and EMS.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagguho ng gusali.