CAUAYAN CITY – Tagumpay ang mga atletang Pinoy sa larangan ng athletics na doblehin ang kanilang napanalunang gold medal sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games kompara noong 2017.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Edward Kho, marketing communications director ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), mayroon na aniya silang siyam na ginto, tatlong silver at limang bronze at inaasahang madadagdagan ito ngayong huling araw ng mga kompetisyon sa SEA Games.
Kabilang sa mga laro ngayong araw sa athletics ang decathlon, discuss throw at pole vault.
Pinuri ni Ginoong Kho ang performance ng mga homegrown talents dahil nanalo rin sila ng mga medalya bukod sa mga Filipino-American athletes.
Malaking bagay aniya ang suporta ng crowd sa performance ng atleta kaya nalampasan nila ang kanilang napanalunang 5 gold medal noong 2017 SEA Games.
Unang sinabi ni Kho na target ng PATAFA ang 5 to 6 gold medals sa 30th SEA Games ngunit natutuwa siya na nalampasan nila ang kanilang puntiryang mapanalunan