-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Naitala sa Lungsod ng Baguio ang 10 degrees Celcius (°C) na pinakamababang temperatura ngayong umaga.
Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), pasado alas-5:00 ng madaling araw nang maitala ang naturang temperatura ngunit inaasahan ang mas malamig at mas mababang temperatura sa mga mas matataas na lugar sa Cordillera Region.
Posible pa raw na bababa pa ang maitatalang temperatura ng nasabing weather bureau sa mga susunod na araw bunsod ng nararanasang northeast monsoon o hanging amihan.
Batay sa record, naitala ang 6.3°C na lowest temperature dito sa City of Pines noong January 18, 1961; na sinundan ng 6.7°C noong February 23, 1963; at 6.8°C noong January 8, 1968.