-- Advertisements --

Hindi pa rin tapos ang clearing operations ng militar sa Marawi City, kahit ongoing na ang rehabilitasyon sa ibang bahagi ng siyudad.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Edgard Arevalo, nakatutok sila sa clearing operations partikular sa main battle area.

Sinabi ni Arevalo na nasa 15 porsiyento pa rin sa siyudad ang kanilang kini-clear dahil marami pa ring mga pampasabog o mga unexploded ordnance ang nakabaon kaya delikado pang puntahan ng mga sibilyan.

Nagpapatuloy naman ang rehabilitasyon ng militar sa siyudad na pinangunahan ng AFP engineering brigade.

Giit ni Arevalo, maingat din ang militar sa clearing operations para maiwasan na may madisgrasya na mga tropa.

Batid din ng militar na naiinip na ang mga residente na makabalik sa kanilang mga tirahan kaya lahat ng paraan para mapabilis ang clearing operations ay kanilang ginagawa.

Bukas, May 23, ang unang taong anibersaryo ng Marawi siege.