Magsisilbing dagdag na inspirasyon ni Rabiya Mateo ang mga loyal supporters nito para sa “big night” o ang coronation ng 69th edition ng Miss Universe ngayong May 16 ng gabi sa Florida, o May 17 na ng ng umaga oras sa Pilipinas.
Tila pasaring ito ni Rabiya para sa mga kritiko niya at ng iba pang girls sa Miss Universe sa nagdaang national costume show nitong Biyernes at ang preliminaries kahapon.
Ayon sa 24-year-old half Indian beauty na tubong Iloilo, alam naman nila na sadyang may mga nakabantay sa maipipintas sa mga kandidata pero mas marami pa rin naman ang nagpapabot ng good vibes.
Samantala, mayroon pa hanggang 11:59 ngayong Linggo ng umaga para suportahan ang pambato ng Pilipinas sa online voting ng Miss Universe.
Ito’y matapos palawigin ng official online platform ng Miss Universe Philippines (Lazada) sa naturang oras ang botohan, na dapat ay kagabi pa nagsara.
Una nang naiulat na ang makakakuha ng pinakamaraming online votes ay otomatikong makakapasok sa Top 21.
Kahapon sa preliminary rounds, isa si Rabiya sa mga “standout performance” mula sa kanyang inirampang swimsuit at evening gown.
Sa pamamagitan ng “halabira walk,” all-smiles ito sa kanyang matingkad na yellow two-piece swimsuit.
Angat din ito sa kanyang one-shoulder tulle gown na tadtad ng Swarovski crystals na gawa ng Dubai baser designer na si Furne Amato.
Para sa iba, ang pagsuot sa matingkad na yellow gown, ay tila pambawi ni Rabiya sa hindi nito naisuot na headpiece sa national costume na isa sanang dambuhalang araw.
Bukas, tatangkain nito na maibigay sa bansa ang pang-limang Miss Universe crown.
Sa huling coronation bago sumiklab ang pandemya, nasungkit ng bansa sa pamamagitan ni Gazini Ganados ang Top 20 finish sa Miss Universe 2019.