-- Advertisements --
Catriona home 2022
For the past 10 years I’ve been a nomad, I’ve rented and moved from place to place. But earlier this year, I finally called a home MINE. #CasaDeGray 🏠

Ibinida ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na sa wakas ay titira na ito sa matatawag na sariling tahanan.

Sa pagbabalik-tanaw ng pang-apat na Pinay Miss Universe, inamin nito na 17-anyos pa lamang siya nang magsimulang mangarap sa pagkakaroon ng sariling bahay.

Ayon sa 27-year-old half Australian beauty na tubong Bicol, sa loob kasi ng 10 taon ay nabuhay ito sa pagbabayad ng renta at palipat-lipat pa ng inuupahang matutuluyan.

Sa mga susunod na buwan aniya ay magiging abala siya sa pag-aayos ng sariling bahay kasabay ng pangako na susuportahan ang local furnitures.