-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang driver matapos na pagsasaksakin sa Zone 5, Brgy. New San Roque, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Darwin Bustarga, 38-anyos, residente ng Brgy. Abucayan, Goa, sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang natutulog si Bustarga sa barracks nito nang bigla na lamang itong pagsasaksakin ng suspek na si Carlos Cariño, 56-anyos na agad naman na tumakas sa hindi pa malaman na direksiyon matapos na isagawa ang krimen.

Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima.

Agad naman itong dinala sa ospital ngunit ideklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa nagayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente maging ang pagtukoy sa posibleng kinaroroonan ng suspek para sa karampatang disposisyon.