-- Advertisements --

Patay ang isang mag-aaral habang sugatan ang tatlo pang iba matapos na sila ay pagsasaksakin sa isang pampribadong paaralan sa western France.

Naganap ang insidente sa Notre-Dame-de-Toutes-Aides school sa Nantes.

Naaresto ng mga otoridad ang suspek habang ang mga sugatang biktima ay dnala na sa pagamutan.

Dahil sa insidente ay pansamantalang isinara ang pagamutan habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.