LA UNION – Binuksan na kamakailan lamang ang Disinfection Water Generating Facility na pinangunahan ni La Union Gov. Emmanuel “Pacoy” Ortega.
Ito ay isang Japanese technology, na may kakayahang gumawa ng halos 40-k litro ng disinfectant solution sa isang araw.
Ang nasabing solution ay ginagamit ngayon sa mga disinfection operations sa mga district hospitals, checkpoints, at PGLUs offices.
Plano din ng pamahalaang panlalawigan na ipamahagi ito sa mga household at private establishments para sa mass disinfection sa buong lalawigan.
Samantala, lahat ng mga sasakyan na dumadaan sa national highway na sakop ng unang distrito sa La Union ay dumadaan sa sanitation tents para sa disinfection at sanitation.
Pinangungunahan ito ng DPWH-1st La Union Engineering District.
Tatlo ang inilaang sanitation tents, kabilang dito ang isa sa Barangay Ili Sur, San Juan; Barangay Parian partikular sa harap ng Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) at sa Barangay Pagdalagan, San Fernando City, La Union.
Bahagi pa rin ang mga ito sa mga ipinapatupad na hakbangin para labanan ang paglaganap ng COVID 19.